Pandanggo Ni Neneng
Kung nagsasayaw si Neneng at ako ay walang pagod
Ang kanyang magagandang paa na sa hakbang ko'y sumusunod
Ngunit di alam ni Neneng na ako ay naghihirap
Dahil sa pag-ibig at tunay na paglinga
Ang mga dalaga kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandango
Ang pandango ni Neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang paligpig nang kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan
Neneng ko huwag limutin tayo'y perlas ng silangan
Dahil sa dilag mong pambihirang kayamanan
Bukid ay dakila kaysa lungsod na mailaw
Pandango'y sayaw ng kayumangging kaligatan