Pandango sa Pag-Ibig
Ang pandangong sayaw na may ilaw
Ay sayaw na mahinhin nitong bayan
Ang ilaw ay tanda ng pag-asa
Ng pusong sa pag-ibig ay may dusa
Ang pandangong ito ay ingatan mong isayaw
Baka mahulog ang ilawan sa maling kilos ng kamay
Ang puso kong tapat ay katulad ng ilawan
Baka mo ibagsak na bigla ay mawasak lang
Sa pandangong ito
Nang tayo'y magsayaw sa galak
Ang langit ng ligaya'y tila aking naakyat
Kahit ilaw ka man
Sawi pa rin yaring pagliyag
Pag di mo dinulutan ng liwanag
Sa pandangong ito
Nang tayo'y magsayaw sa galak (ang pandanggong ito)
Ang langit ng ligaya'y tila aking naakyat (langit ng ligaya ay tila aking naakyat)