Pangako Ko
Magmula ng makilala ka
Lagi ka saaking alaala
Pagibig ang nadarama
Nais ko'y kapiling ka
Heto ngayon at nasa harap mo
Pag-ibig ko'y sinasamo
Pagsuyo ay iyong dinggin
Sana ako'y mahalin
Ito ang aking dalangin
Pangako ko aking sinta
Tapat kong iibigin ka
Sa hirap at ginhawa
Ikaw ang tanging ligaya
Ang nais ko'y makasama tunay na pagmamahal
Ang aking nadarama
Paligid ay muling makulay
Nang dumating ka sa aking buhay
Pangako ko ikaw lang ang sasambahin
Sana ako'y mahalin
Sigaw nang aking damdamin
Pangako ko aking sinta
Tapat kong iibigin ka sa hirap at ginhawa
Ikaw ang tanging ligaya
Nais kong makasama
Tunay na pagmamahal ang aking nadarama
Pangako ko aking sinta
Tapat kong iibigin ka
Sa hirap at ginhawa
Ikaw ang tanging ligaya
Nais kong makasama
Tunay na pagmamahal ang aking nadarama
Sana ako ay mahalin
Sana ako ay mahalin