Pare Ko
O pare ko
Meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In love ako
Sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
Wag na nating idaan
Sa ma-boteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap
Kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala
Hanggang don lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Masakit man isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin
O Diyos ko
Ano ba naman ito
Diba tangina
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to oh
Diyos ko
Ano ba naman ito oh
Sabi niya
Ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal
Naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Ba't ba ang labo niya
Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay
Ako ay nabuburat na
Pero
Minamahal ko siya
Di biro
TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na
Sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
O pare ko (o pare ko)
Meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okay lang (kung wala ay okay lang)
Kailangan lang (kailangan lang)
Ang iyong pakikiramay
Nandito ka ay ayos na (nandito ka ay ayos na)
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin
O Diyos ko
Ano ba naman ito
Di ba tangina
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to oh
Diyos ko
Ano ba naman ito
Di ba tangina
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to oh
Diyos ko
Ano ba naman ito oh