Pasko Sa Piling Ng Iba


Ngayong Pasko ay alaala ko
Ang pag-ibig na iniwanan mo
Kahit na saki'y lumisan ka
Mahal kita hanggang ngayon sinta

Ngayong Pasko hanap pa rin kita
Ikaw man ay kayakap ng iba
Kailanma'y di na magbabago
Ang damdamin na ukol ko sa 'yo

Kung maligaya ka sa iyong Pasko sa piling ng iba
Kaligayahan ko na rin aking sinta
Maging maligaya ka sa iyong Pasko sa piling ng iba
Katumbas man ay aking pagluha

Ngayong Pasko hanap pa rin kita
Ikaw man ay kayakap ng iba
Kailanma'y di na magbabago
Ang damdamin na ukol ko sa 'yo

Kung maligaya ka sa iyong Pasko sa piling ng iba
Kaligayahan ko na rin aking sinta
Maging maligaya ka sa 'yong Pasko sa piling ng iba
Katumbas man ay aking pagluha

Kung maligaya ka sa iyong Pasko sa piling ng iba
Kaligayahan ko na rin aking sinta