Patak Ng Luha
Patak ng luha ko ay pinaglilihim
Sapagkat ayaw ko na iyong mapansin
Hirap ng puso ko ay sariling akin
Sapagkat ayaw ko na ika'y manimdim
Dahil sa ikaw ay aking minamahal
Ayaw kong kailanman puso mo ay laging malumbay
Idinarasal ko sa gabi at araw
Ang iyong ligaya habang nabubuhay
Dahil sa ikaw ay aking minamahal
Ayaw kong kailanman puso mo ay laging malumbay
Idinarasal ko sa gabi at araw
Ang iyong ligaya habang nabubuhay
Ang iyong ligaya habang nabubuhay