Pusong Nagmamahal
Masdan mo't naririto
At muling naghihintay
Ang abang bihag mong
Pagsinta'y dalisay
Kislap ng mga bituin
At liwanag ng buwan
Ang tanging saksi
Ng puso kong nagmamahal
Bakit kaya sinta ako'y
Iyong iniwan
Di ka na naawa
Sa aking kalagayan
At kung ako'y iyong datnang
Wala ng buhay
Asahan mo irog ko't
Ikaw ang dahilan
Bakit kaya sinta ako'y
Iyong iniwan
Di ka na naawa
Sa aking kalagayan
At kung ako'y iyong datnang
Wala ng buhay
Asahan mo irog ko't
Ikaw ang dahilan