Sa Diyos Na May Likha
Kung ating pagmasdan ang ningning ng bituin
Ang liwanag ng araw at buwan ma'y kay ganda
Bawat tinig ng ibon at ihip ng hangin
Ating masasabing may pag-asa
Sa bawat simoy nitong hanging amihan
Bawat hampas ng alon sa karagatan
Tahimik na pagdaloy ng tubig sa batis
Kapayapaan ng Diyos ang nababatid
Dahil sa Diyos na may likha
Bawat araw nati'y may pag-asa
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Dahil sa Diyos na may likha
Bawat araw nati'y may pag-asa
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Sa pag-ikot ng mundo'y laging may bukas
Ang pag-ibig ng Diyos sa'tin ay di kukupas
Mapawi mang lahat salita niya'y wagas
Pangako niya'y hindi magwawakas
Dahil sa Diyos na may likha
Bawat araw nati'y may pag-asa
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Dahil sa Diyos na may likha
Bawat araw nati'y may pag-asa
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Dahil sa Diyos na may likha
Bawat araw nati'y may pag-asa
Hindi mabibigong tatawag sa kanya
Manalig ng lubos sa tuwina
Manalig ng lubos
Sa tuwina