Sa Habang Panahon


Ikaw ang aking minahal
Na higit pa sa aking abang buhay
Ang nais ko'y makapiling ka lang
Sa bawat sandaling ako'y nalulumbay
Ikaw ang aking minahal
Ito'y sumpa na aking pakaiingatan
Pag-ibig na wagas at kay tamis
Di pa nararamdaman kahit kanino man
At kung ako na may mag-iisa
Pag-ibig kong ito'y hindi magmamaliw
At kung ikaw may magbalik
Asahan mong magmamahal
Sa habang panahon
Ikaw ang aking minahal
Na higit pa sa ating abang buhay
Ang nais ko'y makapiling kita
Sa bawat sandaling ako'y nalulumbay
At kung ako na may mag-iisa
Pag-ibig kong ito'y hindi magmamaliw
At kung ikaw may magbalik
Asahan mong magmamahal
Sa habang panahon
At kung ako na may mag-iisa
Pag-ibig kong ito'y hindi magmamaliw
At kung ikaw may magbalik
Asahan mong magmamahal
Sa habang panahon
Sinta