Sa Uulitin


Hindi maipinta ang aking nadarama
Hindi maalis ang tamis ng mga tinginan na tinginan
Mag-a-alas dose na pala
Ayoko pang kumawala
Sa higpit ng mga yakap mo giliw ko

Kung panaginip lamang ito
Ayoko na sanang magising
Tila isang paraiso tuwing ika'y kapiling
Sa uulitin muli

Makapiling ka sa bawa't sandali
Hindi maitatanggi langit sa'yong mga mata at mga labi
Sana noon pa naransan
Hinding hindi ipagpapalit kailan man
Sa uulitin sa uulitin

Naubusan na ng mga salita
Nag-uusap na lang ang mga mata
Nakakamangha
Nagtritrip hanggang umaga
Saan man mapunta kuntento na
Basta't kasama ka basta't kasama ka

Kung panaginip lamang ito
Ayoko na sanang magising
Tila isang paraiso tuwing ika'y kapiling
Sa uulitin muli

Makapiling ka sa bawa't sandali
Hindi maitatanggi langit sa'yong mga mata at mga labi
Sa uulitin muli

Makapiling ka sa bawa't sandali
Hindi maitatanggi langit sa'yong mga mata at mga labi
Sana noon pa naransan
Hinding hindi ipagpapalit kailan man
Sa uulitin sa uulitin sa uulitin
Sa uulitin

Oh oh oh (sa uulitin sa uulitin)
Oh oh oh (sa uulitin sa uulitin)