Sana Dumating Ka Na


Paano kong pipitasin
Ang bulaklak sa hardin
Kung wala namang paghahandugan
Paano kong aabutin
Ang buwan at mga bituin
Kung wala namang pag-aalayan

Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama
At karamay sa aking pag-iisa
O Bathala dinggin mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya

Paano kong aamuin
Ligalig ng damdamin
Kung wala namang masasandalan
Paano kong bubuuin
Isang buhay na lipos ng pag-ibig
Kung wala namang makakatuwang

Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama
At karamay sa aking pag-iisa
O Bathala dinggin mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya

Oh oh oh

Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama
At karamay sa aking pag-iisa
O Bathala dinggin mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya

Sana dumating ka na

Canciones más vistas de

Noel Cabangon en Junio