Sana Naman
Eto nag-aaway na naman tayo
Namomroblema
Nagpapahiya
Minsan pinalalampas ko na lang
Kahit nasasaktan
Paano na lang
Ayoko na ng away at
Nakakailang
Nakakapagod pag-usapan
'La ring pupuntahan
Sana naman maibalik ang nakaraan
At nang matutunan
Na 'wag kang iwanan
Sana naman maibalik ang nakaraan
Nang 'di siya masayang
Sana ako'y pakinggan
Eto binabalewala mo lang ako
Nagmamakaawa
Ako'y nagpapaunawa
Pero kahit na ang labo mo
Aking papatunayan
Na tanging ikaw lang
Sana (sana naman)
Sana (sana naman)
Sana naman
Sana
Sana (sana naman)
Oh sana (sana naman)
Sana naman
Sana