Sana'y pagpalain
May kaba ako na darating ang araw
Magbabago ang pagsuyo mo hirang
Pagkat mayrong sa simula nga lamang
Akala mo pag-ibig ay tunay
Aking mahal ang pag-ibig kong alay
Ay may ningning na lagi habang buhay
Katulad ng bituin mong namamasdan
Kahit na natatakpan ng ulap sa kalawakan
Ang pangarap nating kaligayahan
Ay makamtan na natin nang lubusan
Tayo sana'y pagpalain ng maykapal
Sa tuwina'y magmahalan
Ngayon at kailan pa man
Tayo sana'y pagpalain ng maykapal
Sa tuwina'y magmahalan
Ngayon at kailan pa man