Sapagka't Kami'y Tao Lamang


Di ba tayo ay tao lamang
Ganyan tayong lahat
O kay saklap ng buhay

Puso kahit hindi turuan
Nakapagtataka natututuhan din ang magmahal
Tunay kami'y nagmamahalan
Kung kasalanan man ay sapagkat kami ay tao lamang

Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta damdamin din ang siyang nasusunod
Di ba tayo ay tao lamang
Ganyan tayong lahat
O kay saklap ng buhay

Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta damdamin din ang siyang nasusunod
At kung iyan man ay kasalanan
Ay sapagkat kami ay tao lamang