Sino si Santa Claus
Sino si Santa Claus ang tanong sakin
Ng anak kong bunso na naglalambing
Bakit pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin
Pakinggan mo bunso ng malaman mo
Si Santa Claus ay laging narito
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagkat mahal niya kayo
Sa tuwing pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya tuwina
Alam mo na bunso ang lahat halos
Bakit mayrong Santa Claus
Sino si Santa Claus ang tanong sakin
Ng anak kong bunso na naglalambing
Bakit pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin
Pakinggan mo bunso ng malaman mo
Si Santa Claus ay laging narito
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagkat mahal niya kayo
Sa tuwing pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya tuwina
Alam mo na bunso ang lahat halos
Bakit mayrong Santa Claus
Bakit mayrong Santa Claus