Sino Si Santa Klaus


Sino si santa claus ang tanong sa akin
Ng aming bunso na naglalambing
Bakit pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin

Pakingan mo bunso ng malaman mo
Si santa claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali nyo
Pagka't mahal nya kayo

Sa tuwing pasko lamang kung sya'y makita
Ang aguinaldo ang dala nya sa tuwina
Alam mo na bunso alam lahat halos
Kung bakit may santa claus

Pakingan mo bunso ng malaman mo
Si santa claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali nyo
Pagkat mahal nya kayo

Sino si santa claus ang tanong sa akin
Ng aming bunso na naglalambing
Bakit pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin

Pakingan mo bunso ng malaman mo
Si santa claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali nyo
Pagkat mahal nya kayo

Sa tuwing pasko lamang kung sya'y makita
Ang aguinaldo ang dala nya sa tuwina
Alam mo na bunso alam lahat halos
Kung bakit may santa claus
Bakit may santa claus