Susundin ko
Susundin kita aaliwin sa pag-awit
Pariringgan ng ating sariling himig
Susundin ka aalayan sa tuwina
Ng pagsuyong kay sigla at maligaya
Susundin ko bawat kahilingan mo
Nang masiyahan ang malambing na puso mo
Hindi ka malulumbay kahit sandali man lamang
Aawitan kang lagi rin hirang
Magsabay tayo sa pagkanta ng awitin sa pagsinta
Kapwa tayo nakangiti o anong ligaya
Nakahawak pa ang kamay mo sa kamay ko
Aking mahal kailan pa man susundin ko ang nais mo