Tahan Na
Makulimlim mong mga mata
Tila malapit nang mga luha ay pumatak
O hayaan lang silang umagos nang tuluy-tuloy
Tuloy ka lang
Katulad lang ng mga ulap
‘Pag ‘di na kaya ang bigat
Umiiyak oh
Itago mo ikandado sa puso mo
Itong bibitiwang pangako
Kung ang mundo’y tumalikod na sa’yo
Tahan na
Ako na ang tahanan mo (tahanan mo)
Kung tadhana’y hinahaplos ka ng lamig
Halika’t kukumutan ka ng aking pag-ibig
Kung kapalaran ma’y binabagyo ka nang paulit-ulit
Ipagtatanggol din kitang paulit-ulit
Paulit-ulit oh
Itago mo ikandado sa puso mo
Itong bibitiwang pangako
Kung ang mundo’y tumalikod na sa’yo
Tahan na
Ako na ang titila sa mga luha mo
At ‘di magtatagal ay sisikat din ang araw at matutunaw
Mga anino riyan sa puso mo oh kaya
Itago mo ikandado sa puso mo
Itong bibitiwang pangako
Kung ang mundo’y tumalikod na sa’yo
Tahan na
Ako na ang tahanan mo (kung ang mundo’y tumalikod na sa’yo)
Tahan na ako na ang tahanan mo