Tamang Pag-Ibig, Maling Panahon
Tayong dalawa ay nagmahalan nang wagas
Ngunit ang lahat ay kailangang magwakas
Hiram nating oras hiram nating bukas
Tuwina'y langit subalit mali ng landas
Tunay kay sakit at hindi natin maangkin
Ang pagmamahal na lahat yata'y gagawin
Kahit na dayain kahit di aminin
Kasalanan kapag puso ang susundin
Tamang pag-ibig ngunit maling panahon
Sa puso natin ay di akalaing umusbong
Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal
Pagkat bawal sa mata ng Maykapal
Tayong dalawa ay nagmahalan nang wagas
Ngunit ang lahat ay kailangang magwakas
Hiram nating oras hiram nating bukas
Tuwina'y langit subalit mali ng landas
Tamang pag-ibig ngunit maling panahon
Sa puso natin ay di akalaing umusbong
Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal
Pagkat bawal sa mata ng Maykapal
Tamang pag-ibig ngunit maling panahon
Sa puso natin ay di akalaing umusbong
Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal
Pagkat bawal sa mata ng Maykapal
Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal
Pagkat bawal sa mata ng Maykapal