Tanging Ligaya
Tanging ligaya
Ng aking buhay
Ikaw ang siyang aliw
Ng pusong may lumbay
Hali na giliw
At magmahalan
Hanggang wakas
Ang puso ko'y iyo lamang
Ang puso ko'y masagana
Diwa'y busog sa tuwa
Dulot kaya ng tadhana
Sa aking pagkarukha
Tanging ligaya
Ng aking buhay
Ikaw ang siyang aliw
Ng pusong may lumbay
Hali na giliw
At magmahalan
Hanggang wakas
Ang puso ko'y iyo lamang