Tanong Ng Puso


Tanong ng puso ko nang ika'y mawala
Ano bang kasalanan ang aking nagawa
Ako ba'y sa iyo nagkulang ng pag-unawa
Kaya nang lumayo ka paalam ay wala

Ngayo'y di ko alam ang aking gagawin
Kung paano at saan kita hahanapin
Ang nais ko sana'y liwanagin sa akin
Bakit ka lumayo lumayo ng lihim

Ngayo'y di ko alam ang aking gagawin
Kung paano at saan kita hahanapin
Ang nais ko sana'y liwanagin sa akin
Bakit ka lumayo lumayo ng lihim
Tanong ng puso