Tapat Na Pag-Ibig
Ako'y sadyang nanalig
Sa matapat na pag-ibig
Kapag ito ay nasambit
Ligaya ko'y hanggang langit
Pag-ibig ko'y isa lamang
Habang ako'y nabubuhay
Ang nais ko sa sumpaan
Ay madala hanggang hukay
Pag ako'y umibig
Magpahanggang langit
Kung siya ang magtaksil
Ako'y handang magtiis
Ang matapat sa suyuan
Sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan
Parang bulang napaparam
Pag ako'y umibig (pag ako'y umibig)
Magpahanggang langit (magpahanggang langit)
Kung siya ang magtaksil (kung siya ang magtaksil)
Ako'y handang magtiis
Ang matapat sa suyuan
Sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan
Parang bulang napaparam