Tubig Sa Batisan

Ang tubig sa batisan patuloy sa pag-agos at di mahadlangan
Ganyan din ang paggiliw parang daloy ng batis na di mo mapigil
Pag nawili ka sa linaw nitong batis ay matutunghan mo ang langit
Sa pusong uhaw sa pagsintang wagas ang tubig ay magsisilbing lunas

Ang pag-ibig ko'y wagas at iyong-iyong lubos
Parang batis na tuloy sa pag-agos
Kung ang tubig ay bukal
Ang paglingap ko'y ganyan di masasaway dahil sa ikaw ang minamahal