Tuliro [Acoustic]


Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling

Giliw hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait
Mamalas ang langit

Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo

Wari 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog

At sa panaginip ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising

Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo

Anong nadarama

Pa'nong nadarama
Ngayong sa isip ko'y hindi ka maalis
Tuliro 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo

Anong nadarama
Ngayon at nandirito ka sa aking tabi
Tuliro 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Anong nadarama wohooh (dorodorotdot)
Anong nadarama wohooh (dorodorotdot)
Anong nadarama wohooh (dorodorotdot)
Anong nadarama wohooh (dorodorotdot)