Tumawa Kayo At Humalakhak


Ang lungkot ay limutin problema'y huwag isipin
At ating tawanan o awitan
Sa daigdigan ganyan lang ang buhay
Ang dusa ay ating iwasan

O huwag kang sumapit sa kuluho
Nang hindi ka mapahamak
Umiwas ka sa bisyo
Upang danasin ang galak

O sa iyong kapwa ay maging matapat
Huwag kang tamad laging magsumikap
Ang sabi nila nasa Diyos ang awa
Sa tao naman ang pag-gawa

O huwag kang sumapit sa kuluho
Nang hindi ka mapahamak
Umiwas ka sa bisyo
Upang danasin ang galak

Hohoho tayo'y umawit tayo'y mag-saya
Ating tawanan hohoho ang lumbay
Huwag patatalo sa lungkot ng buhay
Iwasan tayo'y mapahamak ho
Problema ay ating tawanan ho
Tumawa tayo'y humalakhak