Tunay Na Ligaya


Tunay na ligaya ang buhay sa dagat
Ang lamig ng simoy siyang nalalasap
Ang pag-ibig ay laging pangarap
Siyang aliw at hangad ng lahat
Ay walang katulad ang buhay sa dagat
Ang lahat sagana't busog sa galak
Ipagdiwang madlang kapalaran at huwag iwaglit
Hanggang sa wakas

Mag-awitan sa ligaya
At ang puso ay lunasan
Magsayawan sa tuwina
Umindak na walang hanggan

Tunay na ligaya ang buhay sa dagat
Ang lamig ng simoy siyang nalalasap
Ang pag-ibig ay laging pangarap
Siyang aliw at hangad ng lahat
Ay walang katulad ang buhay sa dagat
Ang lahat sagana't busog sa galak
Ipagdiwang madlang kapalaran at huwag iwaglit
Hanggang sa wakas

Puso't pangarap namamahay
Sa diwang laging nagmamahal
O kay sarap ng mabuhay
Kung pag-ibig ang makakamtan

Tunay na ligaya ang buhay sa dagat
Ang lamig ng simoy siyang nalalasap
Ang pag-ibig ay laging pangarap
Siyang aliw at hangad ng lahat
Ay walang katulad ang buhay sa dagat
Ang lahat sagana't busog sa galak
Ipagdiwang madlang kapalaran at huwag iwaglit
Hanggang sa wakas