Tupang Ligaw


Malapit na namang lumubog ang araw
Dilim ng gabi’y darating na naman
Sa paghimlay mo
Isip mo’y maglalakbay
Nakatanaw sa kawalan
Lumipas na naman ang
Isang araw sa buhay
Takbo ng buhay mo’y
Di mo namamalayan
Sa bawat sandaling
Darating at papanaw
Buhay mo'y tila parang kulang

Kayamanan at lahat ng kalayawan
Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala pa sa iyong buhay
Para kang isang tupang ligaw

Lumipas na naman ang
Isang araw sa buhay
Takbo ng buhay mo’y
Di mo namamalayan
Sa bawat sandaling
Darating at papanaw
Buhay mo'y tila parang kulang (buhay mo'y)

Kayamanan at lahat ng kalayawan
Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala pa sa iyong buhay
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw

Canciones más vistas de