Tutulungan Kita


Halata ang lungkot sayong mga mata
Kahit di sabihin mo'y aking nadarama
Ang paglayo niya'y huwag mong ipagdamdam
Mabuti nga't nalamang siya'y salawahan

Karamay mo ako kahapon at ngayon
Asahan mong bukas ako'y naroroon
Naroroon ako hanggang ako'y buhay
Katulong mo't sa iyo ay nagmamahal

Tutulungan kitang malimot mo siya
Ibabalik ang dati mong sigla
Aking gagamutin puso mong sinugatan
Sugat na dulot niyang salawahan

Halata ang lungkot sayong mga mata
Kahit di sabihin mo'y aking nadarama
Ang paglayo niya'y huwag mong ipagdamdam
Mabuti nga't nalamang siya'y salawahan

Tutulungan kitang malimot mo siya
Ibabalik ang dati mong sigla
Aking gagamutin puso mong sinugatan
Sugat na dulot niyang salawahan

Tutulungan kitang malimot mo siya
Ibabalik ang dati mong sigla
Aking gagamutin puso mong sinugatan
Sugat na dulot niyang salawahan

Malilimot mo siya tutulungan kita