Uhaw Sa Ligaya
Uhaw sa ligaya ang sabik kong puso
Buhat nang ikaw hirang
Ay biglang lumayo
Nasaan ang sumpa mo at mga pangako
Na ang pag-ibig mo
Kailan ma'y di maglalaho
Ang buhay ko sinta
Ay labis ang pagdurusa
Lalo na kung wala ka
Ikaw ang laging alaala
Kung aking wariin
Wala nang pag-asa
Ang sawi kong pusong
Uhaw sa ligaya
Kung aking wariin
Wala nang pag-asa
Ang sawi kong pusong
Uhaw sa ligaya
Ang sawi kong pusong
Uhaw sa ligaya