Ulan


Umuulan sa buhay ko
Magbuhat ng iwanan mo
Patak ng luha'y di mo makita

Kumukulog bumabagyo
Gulong gulo ang isip ko
At kung gabi naaalala ka

Magbuhat ng sabihin mo
Na may mahal ka nang iba
Paano na ngayon kung wala ka

Magbalik ka sa piling ko
Nang magliwanag ang dilim
Pigilin ang ulan sa buhay ko

Naaalala mo pa ba
Nang tayo'y unang magkita
Umuulan nang tayo'y magkilala

Ulan din ang siyang dahilan
At siyang saksi sa sumpaan
Kaya tayo'y agad nagmahalan

Magbuhat ng sabihin mo
Na may mahal ka nang iba
Paano na ngayon kung wala ka

Umuulan sa buhay ko
Ngunit di mo makikita
Ang mga luha sa aking mata