Ulila sa Pag-ibig
Sa oras ng paglubog
Ng araw na may hapis
Lumuluha ang buong daigdig
Naulila sa pag-ibig
Ang buntong hininga
Sa tubig naririnig
Ng dibdib ng kanluran
May daluyong ng hinagpis
Sandaling malungkot
Sa pusong sumisinta
Lalo't nalilihim
Na ang sukli'y pangamba
At kung takip silim
Ay anong ligaya nang mamatay dahil sa pagkaulila
Sandaling malungkot
Sa pusong sumisinta
Lalo't nalilihim
Na ang sukli'y pangamba
At kung takip silim
Ay anong ligaya nang mamatay dahil sa pagkaulila