Puyat


Pwede ba na 'wag na lang magpahinga?
Pwede ba na 'wag?
Kahit mga mata'y malalim
(Ah-ah, ah-ah, ah-ah, ah-ah)
Dumadapo na ang sinag ng araw sa'king balat
Pagkatok ay kumakatok na rin sa pintuan

Ngunit kung kaya ng katawan, tuloy ang hukayan
Sa'king kauluhan, sana'y may kayamanan
Pwede ba na 'wag na lang magpahinga?
Pwede ba na 'wag?
Kahit mga mata'y malalim

Lagi lang puyat
Sa dami nang inaasam
Lagi mang puyat
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Dami pa ngang bagaheng
Mabigat nang kargahin
Sugat na 'di nagaling
Puyat, padayon hanggang sa huli
Kahit mga mata'y malalim
'Yoko na mamili nang tumitingin pa sa presyuhan
'Yoko na rin kabahan tuwing araw ng katapusan
Gusto ko nang maranasang sabihin sa'king mga mahal
Sige lang, kuha ka lang, sige lang, kuha ka lang

Kung kaya ng katawan, tuloy ang hukayan
Sa'king kauluhan sana'y may kayamanan
Pwede ba na 'wag na lang magpahinga?
Pwede ba na 'wag?
Kahit mga mata'y malalim

Lagi lang puyat
Sa dami nang inaasam
Lagi mang puyat
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Dami pa ngang bagaheng
Mabigat nang kargahin
Sugat na 'di nagaling
Puyat, padayon hanggang sa huli
Kahit mga mata'y malalim
Alam kong lahat ng 'tong aking ginagawa'y suntok sa buwan
Kahit pa ako'y umagahin at mabali ang aking likuran
Wala namang nanalo ng damit ay 'di man lang nadungisan (Yeah)
Tatalunin lahat ng balakid sa aking kaisipan
(Kahit mga mata'y malalim)

Lagi lang puyat (Lagi lang puyat)
Sa dami nang inaasam
Lagi mang puyat
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Dami pa ngang bagaheng
Mabigat nang kargahin
Sugat na 'di nagaling
Puyat, padayon hanggang sa huli
Kahit mga mata'y malalim