Harinawa


Ito na ba'ng bungad ng panibagong yugto?
Enerhiya ay tumatagos sa'king buto
Kuntento sa lahat, sapat na sa'kin 'to
Ang mga biyaya sa buhay ko'y bumubugso

Oh, bagong simula, bagong pagbangon
Oh, sa pagsibol ng dilim maglalaho

Harinawa
Lumalakas na ang pag-agos ng pag-asa
Harinawa
Mararanasan na'ng hinahon ng kaluluwa
Malapit na

Masisilayan, dahan-dahan
Makikina nila nang pagdaanan
Pagkusambi, alam kong may hangganan
Oh, Harinawa, oh, Harinawa
Masisilayan, dahan-dahan
Makikina nila nang pagdaanan
Pagkusambi, alam kong may hangganan
Oh, Harinawa, oh, Harinawa

Harinawa
Lumalakas na ang pag-agos ng pag-asa
Harinawa
Mararanasan ang hinahon ng kaluluwa
Malapit na
Harinawa, Harinawa
Malapit na
Harinawa, Harinawa

Idasal mo na sa alapaap
Kung wala pa ang katiyakan
Katuparan ng mga pangarap
Darating sa oras na nakalaan

Harinawa, Harinawa
Bubuhos ang mga biyaya
Harinawa, Harinawa
Andito na 'ng mga hiraya
Harinawa, Harinawa
Bubuhos ang mga biyaya
Harinawa, Harinawa
Andito na 'ng mga hiraya

Harinawa
Lumalakas na ang pag-agos ng pag-asa
Harinawa
Mararanasan na ang hinahon ng kaluluwa
Harinawa, ah, ah
Harinawa, ah, ah
Harinawa