Eraserheads

Walang Nagbago


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp


Nung ikaw ay bata pa ang lahat ay masaya
Umiikot ang mundo at hindi humihinto
Ang lahat ng makita mo ay bago

At ngayon me edad ka na
At lulong sa problema
Nangangarap na ibalik ang kahapon
Hindi mo malaman
Kung bakit kailangang magbago ang lahat
Magbago ang lahat
Magbago ang lahat sa buhay mo

Umaaraw umuulan
Noon pa ma'y sadyang ganyan
At kung ngayon lahat ng panaginip mo'y
Biglang naglaho pare-pareho lamang tayo
Isipin mo walang nagbago

Kung ano tayo noon
Ay ganun pa rin ngayon
Umiikot ang mundo at hindi humihinto
Ngunit ang kalagayan mo ay hindi nagbabago
Hindi nagbabago hindi nagbabago
Walang nagbago walang nagbago
Walang nagbago walang nagbago
Walang nagbago oh