Mabuhay Singers

Ako Ang Nagtanim

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ako ang nagtanim at nagbayo at nagsaing
Subalit ng maluto ay iba ang kumain
Mapalad din naman ang sinumang nakakain
Lubos na nasiyahan walang pagod ni katiting

Ito ang tunay na siyang nangyari sa akin
Ng minsang magtanim at nagbayo at nagsaing
Kahit naman kayo marahil ay maninimdim
Sa naranasan kong hindi sukat akalain

Nagtanim ako
Ako ang nagbayo
Ako ang nagsaing ngunit bakit nilimot mo
Nagdurusa nang
Labis ang puso ko
Nagdaramdam sa kasawiang natamo

Irog ko bakit
Ako'y hinamak mo
Di ba't iyong pangako ay hindi magbabago
Nagtaksil ka man
Ay ang dalangin ko
Nawa'y maging tapat ang hirang mong bago

Ng minsang nagtanim at nagbayo at nagsaing
Kahit naman kayo marahil ay maninimdim
Sa naranasan kong hindi sukat akalain

Irog ko bakit (irog ko bakit)
Ako'y hinamak mo
Di ba't iyong pangako ay hindi magbabago
Nagtaksil ka man (nagtaksil ka man)
Ay ang dalangin ko
Nawa'y maging tapat ang hirang mong bago