Sylvia La Torre

Ako'y lumuluha

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Tadhana ba ang magkalayo kung ikaw ang pagsuyo
Tadhana rin ba sa pagsintang puso ko'y masiphayo
Kung tadhana ang pag-iisa na ako'y lumuluha
Bakit ako ay umibig pa kung sa pag-ibig ay sawi na

Bakit ba irog ikaw ang buhay
Ng puso kong ikaw lamang ang tanging hirang
Kung tadhana ang mabubuhay na ako'y papanaw
Bakit ako'y tinuruan mo pang magmahal ng wagas sa buhay