SkoolService

Alaala


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ikaw ay nakita
Biglang naalala
Minsan tayo'y nagkasama
Sinabi mo sa 'kin
Bulong ng iyong damdamin
Na ako'y minamahal mo rin

Di na ba
Maibabalik pa ang lahat
Ng ating nakaraan nasan na
Ngiti sa 'king mga mata
Na dating puno ng ligaya noong kapiling ka
Ba't ngayon nag-iisa
Sana ay
Sa puso mo'y nandoon pa
Ang ating mga alaalang lumipas na

Gabing kay tahimik
Sabay ang pagluha
Hiling ay mayakap ka pa
Oh di na ba
Maibabalik pa ang lahat
Ng ating nakaraan nasan na
Ngiti sa 'king mga mata
Na dating puno ng ligaya noong kapiling ka
Ba't ngayon nag-iisa
Sana ay
Sa puso mo'y nandoon pa
Ang ating mga alaalang lumipas na

Ano man ang nangyari
Sa ating dalawa
Sino man ang may kasalanan
Ang lahat ng iyon di na bale
Kalimutan na lang
Ibaling na lang sa hangin
Ang pinagsamahan
Ako'y nanghihinayang

Nasan na
Ngiti sa 'king mga mata
Na dating puno ng ligaya noong kapiling ka
Ba't ngayon nag-iisa
Sana'y
Sa puso mo'y nandoon pa
Ang ating mga alaalang lumipas na
Lumipas na
Lumipas na