
Alaala Ng Lumipas
Alaala ng lumipas sa pagsinta
Ang naiwan sa buhay kong nagdurusa
Ang kahapon na lipos ng saya
Kay saklap maalaala
Noong tayo’y nabibigkis sa suyuan
Nadarama nati’y pawang kasiyahan
Ngunit ngayon ang kaligayahan
Alaala ko na lamang
At ngayon ay nag-iisang naninimdim
Sa buhay ko ang paligid pawang dilim
Maligayang araw natin giliw
Inabot ng takip silim
Kahit ako’y sinawi mo’t inulila
Tandaan mong minamahal pa rin kita
Dinarasal ko rin lagi twina
Ikaw sana’y lumigaya
At sa gitna ng pighating dinaranas
Ang pag-ibig ay wala ring pagkakupas
‘Di ko malilimot hanggang wakas
Alaala ng lumipas
Alaala ng lumipas