Mimo Perez

Alagad Ng Pag-Ibig

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kailan kaya matututunan
Pag-ibig mo'y maging aking daan
Turuan mo ako akayin mo ako
Dahil sayo ako'y naririto

Kailan kita matutularan
Gayung batid aking karukhaan
Turuan mo sanang maunawaan ko
Ang lakas ko'y nagmumula lamang sayo

Huwag mo sanang tunghayan aking kahinaan
Bagkus nawa'y kalugdan aking pagmamahal
Nais kitang sundan nais kong maging alagad ng pag-ibig
Dahil ako ang una mong inibig

Hindi ako mag-aalinlangan
Kahit hindi alam ang pupuntahan
Ang tangi kong mamasdan at lagi kong susundan
Pag-ibig mong aking lakas kailan pa man