Ruben Tagalog

Alinlangan ay iwasan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sana sinta huwag mag-aalinlangan
Ikaw at ako'y lubusang magmahalan
Sana'y mula ngayon
Huwag kang magbibintang
Sa tuwing tayo sinta ay magkaulayaw

Tayo'y liligaya kung sa puso'y walang pangamba
Dahil may tiwala na wagas ang isa sa isa
Laging may pag-asa
Bawat pusong may pagsinta
Kaya ang alinlangan ay iwasan sa tuwina

Sana'y mula ngayon
Huwag kang magbibintang
Sa tuwing tayo sinta ay magkaulayaw

Tayo'y liligaya kung sa puso'y walang pangamba
Dahil may tiwala na wagas ang isa sa isa
Laging may pag-asa
Bawat pusong may pagsinta
Kaya ang alinlangan ay iwasan sa tuwina