
Alitaptap
Ang alitaptap ang alitaptap
Sa hating-gabi ay lumilipad
Kay gandang masdan kikisap-kisap
Tulad ay bituing may munting liwanag
Ang alitaptap ang alitaptap
Di mo makita di maapuhap
Sa kadiliman pag lumilipad
Ay parang bituing kukuti-kutitap
Ang alitaptap ang siyang katulad
Ng pagibig mo na aandap-andap
Kung kaya dapat ika'y mag-ingat
Ng hindi maglaho ang iyong liwanag
Ang katulad mo ay alitaptap
May munting ilaw na sumisinag
Kung matapos ang buong magdamag
Maglalaho na rin ang iyong liwanag
Huwag magmadali at kaunting pino
Siguruhin mong siya'y iyong-iyo
Nang di magsisi pag-ingatan mo
Pag nadupilas ka ay tapos ang kwento
Mag dahan-dahan ang aming payo
Sa pagpili mo ng iyong nobyo
Alamin muna at isipin mo
Kung siya nga ang sadyang tunay na mahal mo
Ang iyong oo ang iyong oo
Bago bitiwan ay tiyakin mo
Kung malinlang ka ng inibig mo
Ay parang naglaho ang lahat sa mundo
Ay anong hirap ay anong saklap
Kung iwanan ka ng iyong liyag
Mas mabuti pa ang alitaptap
Kahit na mumunti ay mayrong liwanag