
Ang Lagi Kong Dalangin
Laging nasa sa isip ang ating pagmamahalan
Na sana'y maging walang hanggan o hirang
Tuwina'y dinarasal ko na sana'y huwag magbago
Pagmamahalan natin habang may buhay tayo
Kung tayo'y magkapiling tayo'y naglalambingan
Ang saya natin tuwina'y wala nang hanggan
Ang lagi kong dalangin sa Poong Maykapal
Ligaya natin hirang habang may buhay
Kung tayo'y magkapiling tayo'y naglalambingan
Ang saya natin tuwina'y wala nang hanggan
Ang lagi kong dalangin sa Poong Maykapal
Ligaya natin hirang habang may buhay
Ligaya natin hirang habang buhay