Sylvia La Torre

Ang Langit ko'y Ikaw


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang tanging kapalaran
Kahit di ko hanapin
Magkukusang lalapit
Kung tunay na sa akin
Yan ang aking winika
Pagkat ngayo'y kapiling
Ang tunay kong pag-ibig
Magpahanggang libing

Ang langit ko'y ikaw sinta
At ikaw ang ligaya
Sa puso ko'y mahal kita
Maniwala ka sana
Pag-ibig ko'y asahan mo
Na hindi maglililo
Kahit pa lumimot
Mahal pa rin kita giliw ko

Ang langit ko'y ikaw sinta
At ikaw ang ligaya
Sa puso ko'y mahal kita
Maniwala ka sana
Pag-ibig ko'y asahan mo
Na hindi maglililo
Kahit pa lumimot
Mahal pa rin kita giliw ko
Ang langit ko'y ikaw