Sylvia La Torre

Ang Paglalaba

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kay sarap labhan ng damit ng kasintahan
Lalo na at siya ay tapat sa sumpaan
May kasiyahang taglay ang damdamin
At madadama ang pagmamahal na walang hanggan

Kung may hirap man ang paglalaba'y may ginhawa
Dulot ay tuwa kung malinis na ang labada
Ngunit ang saya ay lumulungkot kung makuha
Isang sulat sa bulsa buhat sa iba

Kakaba-kaba't dahan-dahan pa sa pagbasa
At baka ito ang magwawakas ng ligaya
Kung magkagayon ay mabuti pa ang pumanaw
Kung wala ako ay wala na ring tagapaglaba