Join the Club

Ano Ang Kulay Ng Mundo Para Sa 'Yo?


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ano sa'yo ang importante
Wala ng ibang natitira sa'yo
At pakaisipan muna
Kung sino ang mawawala sa'yo

Ba't kailangan pang maramdaman
Bago maisipan wala na sa iyong mga kamay
At kailang ba na masaktan
Upang maintindihan
Ang pagbabago ng ikot ng mundo

Ito ang dapat mong malaman
Na permanenteng pagbabago ang mundong ito
At ang syang tanging suliranin
Kung pano 'di iwawaglit s'ya ang pag-ibig mo

Ba't kailangan pang maramdaman
Bago maisipan wala na sa iyong mga kamay
At kailangan bang na masaktan
Upang maintindihan
Ang pagbabago ng ikot ng mundo

Tandaan lahat ng isipin mo
Kung lalayo sa akin
Diba't 'di papansinin
Bawat saglit ay parusa
Na'di na matatakasan
Kung mayr'ong makakapigil
Sana'y dumating kana

Ano sa'yo ang importante
Ano ang kulay ng mundo ano para sa'yo
May isanlibong katanungan
Maling akala sa mundong iyong kinagisnan
Ano