Sylvia La Torre

Arimunding-Munding


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Arimunding-munding halina at magsayaw
Arimunding-munding
At pakunday-kunday
Sa inindak-indak
At sarap ng pag-imbay ay bagayan mo sinta himig ng tugtugan

Limutin ang iyong kalungkutan sa galak
Ating subaybayan bawat kumpas sa palakpak
At nang lumigaya itong ating pusong wagas
Nang malimutang lahat ang tinataglay na hirap

Ika'y paru-paro bulaklak naman ako
Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango
Kung sakaling dumating ang ulan at bagyo
Sukob na sa pakpak mo silong pa sa ubod ko
Ika'y paru-paro bulaklak naman ako
At magkasuyo tayo
Sa sakdal tamis ng paglingap irog ko
Langit ko ay dibdib mo

Kung sakaling dumating ang ulan at bagyo
Sukob na sa pakpak mo silong pa sa ubod ko

Sa sakdal tamis ng paglingap irog ko
Langit ko ay dibdib mo