Carmen Camacho

Awit Ng Pag-Ibig


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung aking maulinig
Ang awit ng pag-ibig
Napapawing lahat ang mga hirap na tinitiis
Ang aking nararamdaman
Ay ligaya ng buhay
Parang ako ay nasa piling ng minamahal

Ako ay bulaklak ang kawangis
Sa ubod ng bango't kay tamis
Ang lahat ay aking naaakit
Puso mang wala pang pag-ibig
Ang lahat ay aking nabibihag
Sa lambing na ngiti at sulyap
Kahit sino nangangarap
Sa pag-ibig na matimyas

Kung aking maulinig
Ang awit ng pag-ibig
Napapawing lahat ang mga hirap na tinitiis
Ang aking nararamdaman
Ay ligaya ng buhay
Parang ako ay nasa piling ng minamahal

Napapawing lahat ang mga hirap na tinitiis
Ang aking nararamdaman
Ay ligaya ng buhay
Parang ako ay nasa piling ng minamahal