Awit Ng Pasasalamat
Panginoon hayaan mong ika'y aking purihin
Awit ko ay iyong dinggin
Mula noon ako ay iningatan mo hanggang ngayon
Hinding hindi ko lilimutin ang pag-ibig mo
Kalinga't pagsubaybay mo sa buhay ko
Kaya ngayo'y hayaan mong awitan ka purihin ka
Panginoon kailan man ay hindi malilimutan
Pag-ibig mong walang hanggan
Hinango mo ako sa putik at muling nilinis
Niyakap mo ako sa'king pagbabalik
Lakas na taglay ko'y tanging pag-ibig mo
Kaya ngayo'y handa ko nang ialay din ang buhay ko
Nababatid kong iyong kalulugdan
Pasasalamat ko kung aking susundan
Daan ng 'yong pag-ibig
Siya ko ngayong daan
Sa kapwa ko'y pag-ibig ding aking ilalaan

Sa iyo