
Awit Ng Puso
Sa puso ng bawat isa iyong makikita
Ang tunay na halaga ng pag-asa
Sa puso mo madarama ang tunay na ligaya
Hangga't sa Diyos Ama'y nagtitiwala
Kaya't huwag mong kalilimutan
Puso'y iyong ingatan
At huwag hayaang mapuno ng galit at sakit ng kalooban
Ikaw ay hinuhubog
Kung kaya't may pagsubok
Ngunit tandaan na ang tunay na pag-asa'y
Sa puso mo matatagpuan
Sa puso mo maririnig ang matamis na tinig
At awit ng ating panginoon
Kaya't buksan ang iyong puso upang iyong madama
Ang yakap at pagmamahal niya
Kaya't huwag mong kalilimutan
Puso'y iyong buksan
At hayaan mong manahan
Ang kanyang kapayapaan
Ikaw ay hinuhubog
Kung kaya't may pagsubok
Ngunit tandaan na ang tunay na pag-asa'y
Sa puso mo matatagpuan
Darating din ang araw buhay mo'y liligaya
Hangga't sa puso mo'y may pananalig at pag-asa
Kaya't huwag mong kalilimutan
Puso'y iyong buksan
At hayaan mong pag-ibig ay
Patuloy na manahan
Ikaw ay hinuhubog
Kung kaya't may pagsubok
Ngunit tandaan na ang tunay na pag-asa'y
Sa puso mo matatagpuan
Sa puso mo matatagpuan