
Ayaw Mo Na!
Nagsasabi ka ba ng totoo
Sa lahat ng pahiwatig mo
Di makapaniwalang ika'y nagbago
Namimiss mo pa ba ako
Nagsasabi ka bang katotohanan
Sa iyong mga nararamdaman
Parang hindi ko maubos maisip
Nagbago na rin pati pananamit
Mahal kita ba't ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo siya
Gusto kita yan ang totoo
Ayaw mo na gusto mo katulad mo
Nagsasabi ka ba ng tunay
Sa mga nangyari sa iyong buhay
Parang ako'y nagtataka
Di na ikaw ang dati kong kakilala
Wala bang bahid ng kasinungalingan
Ang mga sinulat mo sa iyong liham
Gusto kitang makita't makausap
Baka nalito lang kaya ka nagkakalat
Mahal kita ba't ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo siya
Gusto kita yan ang totoo
Ayaw mo na gusto mo katulad mo
Mahal kita ba't ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo siya
Gusto kita yan ang totoo
Ayaw mo na gusto mo katulad mo
Nakita kita kasama mo siya
Di mo 'ko pansin habang siya ang kapiling
Nakita kita kayakap mo siya
Nagulat ako ba't suot mo ang palda ko
Mahal kita ba't ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo siya
Gusto kita yan ang totoo
Ayaw mo na gusto mo katulad mo
Gusto mo kagaya mo
Gusto mo kalahi mo
Gusto mo hindi ako
Gusto mo machong-macho
Writer/s: JEANNE PADUANO, JOSEF RENMIN I. NADELA